I've bought my own CrossOver license for this version, and for a few earlier versions. Do note that I'm not in any way sponsored by Codeweavers for this article. Cara install microsoft office. On the trial page.
Ayon kay Goodman (1967), ang pagbasa ay isang saykolinguwistikong larong pahulaan (psycholinguistic guessing game). Sa larong ito, ang mambabasa ay nagsisilbing “taya” kung saan siya ay bumubuo ng sariling hula, hinuha at ipotesis kaugnay ng tekstong binasa. Sa teoryang ito, ang mambabasa ang sentro ng proseso ng pagbasa sa halip na ang teksto dahil ang mambabasa ay madalas nang may dating kaalaman o iskema tungkol sa paksa. Samakatuwid, sa teoryang ito, ang mambabasa ay higit na nakapokus sa kung ano ang alam niya upang maunawaan ang binabasa. Ayon sa dating pananaw, ang pagbasa ay ang pagbibigay ng ideya o kaisipang nasa teksto.sa kasalukuyang pananaw naman, ang mambabasa ay may ideya nang nalalaman batay sa dati niyang kaalaman (iskema) sa paksa o tekstong babasahin.
Binabasa ang teksto upang patunayan kung ang mga hinuha o palagay ng mambabasa ay tama, wato, kulang o may dapat baguhin. Samakatuwid, ang tekstong nabubuo sa isipan ng mambabasa ang sentrong iniikutan ng pang-unawa at hindi ang teksto mismo. Dahil ditto, dapat bigyang pansin ang interaksyon ng mambabasa sapagkat ito ang nilalaman ng kanyang isipan. Upang maging mahusay na mambabasa, dapat na alamin kung bakit ka babasa at kung ano ang gusto mong malaman. Kapag may tiyak ka nang layunin sa iyong pagbasa, dapat ding magkaroon ka ng lubos na pagkakakilala sa babasahin at antas ng kahirapan nito. Ang kuwento, editoryal, ang isang kolum; ang pagbasa sa pahayagan, sa panitikan, sa agham, matematika, pilosopiya – ang bawat isa’y naglalahad ng iba’t ibang suliranin. Bukod pa riyan, ang manunulat ay nagkakaiba ng estilo, talasalitaan at pamaraan ng paglalahad.